P89M halaga ng pananim, 24 eskwelahan sinira ni ‘Ulysess’ sa Bataan

Nasa halos 89 milyon pisong halaga ng mga pananim at pangisdaan ang nasira sa pananalasa ng Bagyong Ulysess sa Bataan.

Ito ang naging update ng Bataan Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office o PDRRMO sa kanilang situational report no. 8 as of 6.p.m nitong Biernes.   

P88,695,903.55 ang naging damages sa rice at corn crops, fisheries at high value crops sang ayon sa mga naging ulat ng mga local government units mula sa 11 bayan at isang syudad ng Bataan. Wala namang naiulat na damages sa livestocks.

Sa mga naitalang nasira sa mga imprastraktura, 3 government structures ang napaulat na bahagyang nasira; 1 health facility ang partially damged; 24 schools naman ang partially damaged sang-ayon sa naging report ng DepEd; at sa mga kabahayan ay naitala ang 30 houses na partially damaged at tatlo naman ang totally damaged.

Samantala, as of November 13 ay nakauwi na sa mga tahanan nila ang 1,562 pamilya o 6,438 na sumailalim sa preventive evacuation noong kasagsagan ng bagyong Ulysess.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews