Mainit ang pagtanggap ng mahigit 20,000 Bulakenyo na dumalo sa major rally ng buong senatorial slate ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas kamakailan sa Lungsod ng San Jose Del Monte.
Isa na rito si former senator Manny “Pacman” Pacquiao na sinalubong ng hiyawan at palakpakan nang simulan nang ipakilala ang bawat kandidato na personal na inendorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bago ang rally ay nagkaroon muna ng press conference kung saan inilatag ng mga aspiring senators ang kanilang mga plataporma para sa nalalapit na National and Local Midterm Elections sa Mayo 2025.
Sa panayam kay world champ Manny Pacquiao iginiit nito na dapat i-level up ang mga magsasaka sa bansa.
Naniniwala si Pacquiao na sa pamamagitan ng pag-level up sa mga magsasaka sa bansa ay maiiwasan ma-discourage ang mag ito sa pagtatanim.
Dito ay isa-isang ibinida ng mga kandidato ang mga nai-ambag at mga itutulak pang mga batas sakaling mahalal sila bilang senador.
Ayon kay Pacquiao, kailangang tutukan ng gobyerno ang agrikultura sa bansa sa pamamagitan ng mga komprehensibo at konkretong programa para sa mga magsasaka.
“Dapat i-regulate ng ating gobyerno yung pag-release ng basic commodities sa market at magkaroon ng concrete program ang ating government na bilhin ang produkto ng mga farmers at i-encourage pa sila,” ayon kay Pacquiao.
Sinabi ni Pacquiao na kailangang i-level up ang mga magsasaka para hindi ma-discourage sa pagtatanim sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaagapay mula sa gobyerno para mapataas ang productivity ng mga pananim na bahagi ng legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasama rin sa tutukuan ng 12 administration senatorial slate ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas ang problema sa transportasyon partikular sa Lungsod Ng San Jose Del Monte kaya naman sinisiguro ng mga ito na mabilis na matatapos ang Metro Rail transit Line 7 (MRT 7) upang mapagaan ang paglalakbay ng mga komuter at mapadali ang economic activities sa Bulacan.