Pagbabakuna kontra COVID-19 sinimulan na sa Bataan

Sinaksihan ni COVID-19 Testing Czar Vince Dizon ang ceremonial vaccination ng mga health care workers mula sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) sa pangunguna ni BGHMC chief Dr. Glory Baltazar nitong Lunes ng umaga. 

Matapos ang ceremonial vaccination gamit ang Sinovac vaccine ay ipinagpatuloy ang vaccination simulation sa Bataan People’s Center sa pamumuno ni Provincial Health Office head Dr. Rosanna Buccahan upang mas masiguro ang kahandaan ng lalawigan para sa mga susunod na gawaing pagbabakuna sa Bataan. 

Ang ceremonial vaccination at simulation ay dinaluhan din nina Gob. Abet Garcia, Bataan 2nd District Cong. Joet Garcia, Dinalupihan Mayor Gila Garcia, Balanga City Mayor Francis Garcia, at DOH Regional Director Cessar Cassion, mga department heads at mga kawani ng Provincial Government of Bataan.

Sina Dr. Glory Baltazar, Dr. Luis Hizon, Dr Ma. Bettina Santos at Dr. Jerry James Bunagan ang apat na health workers na kauna-unahang nabakunahan ng Sinovac sa Bataan.

Nasa 417 doses ng CoronaVac mula sa 2,680 doses na inilaan sa lalawigan mula sa national government ang naunang dumating at ang kakulangan ay darating sa susunod na mga araw.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews