Paggamit ng S-PaSS, ipapatupad sa Zambales

IBA, Zambales — Ipapatupad ng pamahalaang panlalawigan ang paggamit ng Safe, Swift, & Smart Passage o S-PaSS sa lahat ng magtutungo sa Zambales simula bukas, Abril 1.

Sa isang pahayag, sinabi ng Kapitolyo na ang S-Pass ay isang online travel management system na naglalaman ng mga travel policies ng bawat lokal na pamahalaan at mga kinakailangang dokumento na dapat ipasa. 

Layunin nito na mapabilis ang koordinasyon ng mga manlalakbay at ng mga lokal na pamahalaan na kanilang pupuntuhan. 

Ang mga papahintulutan lamang makapasok sa lalawigan gamit ang S-PaSS ay ang mga traveling for work, traveling for health and emergency reasons, returning residents, at mga returning Overseas Filipinos.

Pansamantalang hindi muna pinahihintulutan ang travel for leisure sa Zambales mula Marso 26 hanggang Abril 4. 

Para sa karagdagang detalye, magtungo lamang sa www.s-pass.ph.

Tiniyak naman ng Kapitolyo na ang mga personal na impormasyon ng mga gumagamit ng S-PaSS ay protektado ng Data Privacy Act of 2012 at gagamitin lamang ayon sa layunin ng system na ito. / Reia G. Pabelonia

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews