Pagpapalalim ng Apulid Creek sa Bulacan, pinasimulan na

LUNGSOD NG MALOLOS — Magkatuwang na pinasimulan ng Pamahalaang Panlalawigan at pamahalaang lungsod ang pagpapalalim ng 4.6 kilometrong Apulid Creek sa barangay Longos upang siguruhing mas maraming tubig ang kaya nitong makuha upang maiwasan ang pagbabaha.

Ang proyektong Bulacan River System-Clean Up na pinasimulan ng dalawang pamahalaang lokal kasama ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ay bilang suporta sa Manila Bay Rehabilitation Program.

Ayon kay Governor Daniel R. Fernando, prayoridad na ihanda ang mga ilog dahil sa pagbabago ng kalikasan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Aniya, kailangan siguruhin ang tubig na dumadaloy sa kailugan ay mabilis at diretsong tutungo sa Manila Bay upang maiwasan ang pagbabaha. Kailangan din na tiyakin ang kalinisan nito at walang nagtatapon na basura.

Ang Apulid Creek na pinasimulan hukayin ng Provincial Engineer’s Office ay isa lamang sa mga creek na direktang dumadaloy sa Sto. Niño River na nakakonekta sa Manila Bay.

Samantala, sinabi ni  DENR Regional Executive Director Paquito T. Moreno Jr na ang ganitong mga gawain ay nagpapakita lamang ng kahalagahan ng tinatawag na shared responsibility. Ang dating imposibleng misyon na linisin ang Manila Bay ay possible na at maaaring makamit sa ganitong pagpapakita ng pagkakaisa. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews