Pahayag ng HWPL ukol sa bansang Russia at Ukraine

Ang kasalukuyang pag-atake ng bansang Russia sa Ukraine ay nagdulot hindi lang ng kaguluhan at pagkabahala sa buong mundo, naging banta rin ito sa mapayapang kinabukasan, na siyang dapat na binubuo ng sangkatauhan para sa susunod na henerasyon. 

Ang agresibong pag-atake ng militar laban sa soberanya ng isang estado ay hindi kailanman solusyon sa kahit na anong problema. 

Ang dalang panganib ng digmaan at marahas na hidwaan ay labis na nakaaapekto sa mga inosenteng mamamayan—kabilang ang mga kababaihan, mga kabataan at ang mga bata. 

Walang kahit anong bagay ang maaaring maging kapalit ng mga nawalang buhay, at ang biglaang pangingibang-bayan ng mga biktima ay hindi kailanman maiibsan ng kahit na anong bagay kung hindi sa pamamagitan ng pagpigil ng labanan at panunumbalik ng kapayapaan.  

Bilang isang internasyonal na organisasyong pangkapayapaan, at kabilang sa listahan ng UN ECOSOC at UN DGC, ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) kaisa ng UN at internasyonal na komunidad sa pagkondena sa naturang aksyon ng bansang Russia. 

Nang dahil sa nasabing pagsalakay, nagdulot ito ng panganib sa buong mundo at paglabag sa karapatang pantao. 

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga taong naninirahan sa Ukraine, nararapat lamang na ibalik na sa bansang Russia ang hukbo nito. 

Kinakailangan din maipahayag nang malinaw ng Russia ang kagustuhan na makilahok sa mga pakikipag-usap at pagresolba ng kasalukuyang krisis sa mapayapang paraan. 

Kasabay pa nito, dapat itong sumulong nang may paggalang sa mga panuntunan ng pandaigdigang batas at pamamaraan na handang iwasto, taglay ang kapayapaan. 

Ang ganitong desisyon ay makakakuha ng suporta mula sa buong internasyonal na komunidad at magiging daan tungo sa pagtatatag ng kapayapaan.  

Inaanyayahan ng HWPL ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo upang makilahok sa panawagan para sa kapayapaan at pagtigil ng digmaan. 

Ito ay para sa mga kapwa kabataang mamamayan na kasama nating nabubuhay panahon ito at mga naging biktima ng karahasan ng digmaan, at ito rin ay para sa kinabukasan ng buong mundo. 

Bukod dito, para sa mapayapang resolusyon ng kasalukuyang krisis sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine, aming sinusuportahan at hinihimok ang agarang pagtugon ng UN at hinihikayat ang lahat ng bansa na ipakita ang kanilang malasakit para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga taong inilikas dahil sa digmaan.   

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews