Bagamaβt ako po ay nalulungkot sa pagka VETO ng panukalang batas na nagdedeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital ng Pilipinas, sa panahong ito ay humihingi po ako ng hinahon sa aking mga kabalen. Alam ko po na nababahala kayo o galit dahil sa usaping ito. Ang katawagang ito ay hindi tayo ang gumawa. Tinawag tayong culinary capital dahil masarap ang luto nating mga Kapampangan. Ito ay ating minana.
Sa gitna po nito, nananawagan po ako sa aking mga kabalen na igalang po natin ang pasya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag pirmahan ang panukala.
Hangad po ng bill na kilalanin ang mayamang pamana ng Pampanga sa pagluluto, hindi upang magdulot ng pagkakawatak-watak.
Kinikilala namin ang kahusayan ng ibaβt ibang rehiyon sa kanilang lutuin. Ang pagsuporta sa Pampanga ay bahagi ng mas malawak na layuning itaas ang antas ng lutuing Pilipino sa buong mundo. Kaya naman po ang hangad ng Provincial Ordinance No. 863 ay palakasin ang Culinary Tourism bilang batayan ng pag-unlad ng agrikultura at food establishments.
Bukas kami sa pakikipagtulungan upang mas mapalakas ang promosyon ng ating pambansang gastronomiya, dahil naniniwala kaming ang pagkain ay nagbubuklod, hindi naghahati sa ating lahi.
May mga panukalang batas na na-veto noon ngunit muling inihain sa binagong anyo matapos matugunan ang mga isyung binanggit sa veto message, tulad ng industrial estate ni Ramon Ang at ang prangkisa sa kuryente ng Aboitiz group.
Dahil dito, magsisikap ang Pampanga Culinary Heritage Council at iba pang mga tagapagtaguyod mula sa sektor ng culinary, kasaysayan, at turismo ng Pampanga na tugunan ang mga isyung ito upang maihain muli ang culinary bill.
Kasabay nito, ipinapaabot namin ang aming pasasalamat kay Pangulong Marcos sa kanyang patuloy na suporta sa Pampanga, lalo na sa mga proyektong inilaan niya para sa aming lalawigan at mga mamamayan katulad ng pagpapatayo ng Clark Multi-Specialty Medical Center kung saan ay magkakaroon ng Heart Center, Kidney Center, Cancer Center at Pediatric Center sa Clark Freeport Zone.
πππππ ππππ πππππππ. ππππππππππ ππ ππ πππ πππππππππ πππππππππππ. -Governor Dennis βDeltaβ Pineda