Pamahalaang Panlalawigan, nagbigay ayuda sa mga biktima ng sunog sa Paniqui

PANIQUI, Tarlac — Humigit kumulang 700 market vendors na apektuhan ng nakaraang sunog sa Paniqui Public Market ang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan ng Tarlac.

Ayon kay Governor Susan Yap, bawat nagtitinda ay tumanggap ng tig limang libong pisong ayuda at ilang grocery items mula sa kapitolyo.

Tumanggap din sila ng karagdagang tig limang libong piso mula sa pamahalaang bayan ng Paniqui na magagamit bilang panimulang kapital.

Matatandaan na tumagal ng walong oras ang sunog na umabot sa general alarm status kung saan 32 na trak ng mga bumbero mula sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Pangasinan ang rumesponde upang maapula ito.

Pahayag pa ni Yap, makikipagtulungan ang pamahalaang panlalawigan sa iba pang ahensya upang makapagpatayo ng bagong pampublikong pamilihan na tinatayang aabutin ng 150 milyong piso.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews