Panukalang disability pension sa mga beterano, lusot sa Kamara

Napasama sa limang national significant bills na naaprubahan ng House of Representatives noong Agosto 26,2020, ang panukalang batas ni Bataan 1st District Rep. Geraldine B. Roman para sa mga military veterans.

Ayon kay Congresswoman Roman, ang kanyang House Bill 7302 o “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans, Amending for the Purpose Republic Act no. 6948, Entitled An Act Standardizing and Upgrading the Benefits of Military Veterans and Their Beneficiaries As Amended”.

“Aprubado na po sa 3rd reading ang aking panukalang batas na House Bill 7302na magbibigay ng mas mataas na service-connected disability pension sa para sa ating mga beterano,” masayang balita ni Rep. Roman sa kanyang social media pages.

Sa panukalang batas ni Congresswoman Roman, ang dating P1,000 minimum benefit ay magiging P4,500 at ang dating maximum na P1,700 ay magiging P10,000. Depende aniya ito sa disability rate ng mga beterano ang matatanggap nilang buwanang pension.

“Finally, we’re closer to giving much needed assistance to our veterans who valiantly fought for our freedom. HB 7302 is off to Senate,” dagdag pa ni Rep. Roman (MHIKE CIGARAL)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews