PDP members sa Bulacan, lumipat sa NUP

Naghain na ng certificate of candidacy  (COC) si Gobernador Daniel Fernando bilang Punong Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng partidong National Unity Party (NUP) kasama ang kanyang katuwang sa pagtakbo na si Bokal Alexis Castro na lalaban para sa posisyon ng bise gobernador.

Dagsa ang mga lumipat na dating miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at iba pang political party sa National Unity Party (NUP) upang samahan at suportahan ang laban para sa muling pagtakbo ni Fernando sa darating na 2022 National and Local Elections.

Si Fernando ang standard bearer ng NUP samantalang tumalon si kasalukuyang Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado mula sa NUP patungong PDP-Laban upang makapareha si dating Gobernador Jon-jon Mendoza, ang kanyang matagal na katunggali sa pulitika.

Pinangunahan ng mga Bulakenyong lingkod bayan kasama ang kanilang buong pangkat mula sa pagka-pangalawang punong bayan hanggang sa mga konsehal ang paglipat mula sa PDP patungo sa NUP ni Fernando. Kasama sa listahan sina Punong Lungsod ng Malolos Gilbert Gatchalian, Punong Bayan ng San Ildefonso Paula Carla Tan, at Punong Bayan ng Angat Leonardo de Leon na ngayon ay tatakbo para sa posisyon ng pangalawang punong Bayan.

Lumipat din ng alyansa ang anak ni Brother Eddie Villanueva at dating Punong Bayan ng Bocaue Eduardo Jose “Jonjon” Villanueva, Jr. at ang kanyang buong pangkat mula sa PDP patungong NUP ni Fernando na nangangahulugan ng suporta ng maimpluwensyang angkan ng Villanueva sa administrasyon ng kasalukuyang gobernador.

Ang iba pang mga malalaking pangalan sa ilalim ng NUP na tatakbo para sa posisyon sa Kongreso sa halalan sa susunod na taon sina dating Punong Lungsod ng Malolos Danilo Domingo na humamon sa kasalukuyang nakaupo na si Jonathan Sy-Alvarado ng Unang Distrito, Agustina Dominique “Tina” Pancho para sa Ikalawang Distrito, at Lorna Silverio para sa Ikatlong Distrito.

Nakuha rin ni Fernando ang kumpyansa ni Punong Bayan ng Norzagaray Alfredo Germar na tatakbo para sa pwesto sa kongreso, at ang kanyang asawa, Ma. Elena Germar na susundan ang kanyang asawa sa posisyon ng punong bayan sa kanilang bayan ng Norzagaray.

Gayundin, sumama sina Abgd. Arnel Alcaraz na tumatakbo sa pagka-kongresista sa Ikalimang Distriro, at Raul “Aye” Mariano, na umaasang mahalal bilang bokal sa Ikatlong Distrito, sa mga ipinaglalaban ni Fernando at sumapi sa NUP mula sa PDP-Laban.

Samantala, nagpalit din ng partido si Punong Bayan ng San Miguel Roderick Tiongson mula sa United Nationalist Alliance (UNA) patungong NUP, habang lumipat si Jhane dela Cruz na tumatakbo sa pagka-Mayor sa bayan ng Hagonoy mula sa Partido Federal ng Pilipinas patungong NUP. Kaalyado din ni Fernando ang mga kandidato sa pagka punong bayan sina Enrico Roque ng Pandi, Patrick Neil Meneses ng Bulakan, Glorime “Lem” Faustino ng Calumpit, Ma. Christina Gonzales ng Paombong, Arnel Mendoza ng Bustos, Renato Castro ng Sta. Maria, Ronaldo Flores ng Doña Remedios Trinidad, Jemina Sy ng Marilao, Joselito Polintan ng Balagtas, Leonardo “Ding” Valeda ng Obando at Eliseo “JJ” Santos ng Guiguinto. Nagpahayag rin ng pagsuporta sa gobernador si dating Punong Bayan ng Plaridel Jocell Vistan-Casaje.

Dagdag pa rito, nakuha ni Fernando ang suporta ng karamihan sa mga kasalukuyang nakaupo bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Felix “Toti” Ople at Bernardo “Jong” Ople sa Unang Distrito; Erlene Luz Dela Cruz at Ramon Posadas sa Ikalawang Distrito; at Romeo “RC” Castro, Jr. sa Ikatlong Distrito.Panghuli, tatakbo si Allen Dale Baluyut bilang bokal sa Ikaapat na Distrito; Richard Roque para sa Ikalimang Distrito; at Florinio Saplala, Jr. at Rico Jude Sto. Domingo para sa Ikaanim na Distrito. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews