Penelco vaccination site, pormal nang binuksan

Pormal na pinasinayaan ngayong Martes ang Edgardo R. Piamonte Auditorium sa loob ng Peninsula Electric Cooperative (Penelco) Compound na magsisilbi bilang ika-22 Vaccination Site sa Bataan.

Pinangunahan ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto C. Santos ang pagbendisyon at maiksing misa at punong abala naman sina Penelco General Manager, Engr. Loreto Marcelino, Penelco Board President Fernando Manalili kasama ang mga board directors, staff at mga empleyado. 

Nagsilbing mga panauhing pandangal sila Bataan Governor Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, at  Balanga City Mayor Francis Garcia.

Naitaguyod ang inoculation center na ito sa pagtutulungan ng Penelco management, Philippine Red Cross, at Provincial Government of Bataan.

Ayon kay Governor Garcia, target nila na maging kauna-unahang syudad sa labas ng Metro Manila ang Balanga City na makamit ang herd immunity dahil sa dami ng vaccination sites na hindi lamang taga Balanga ang binabakunahan kundi maging ang mga taga ibang bayan.

Bukod sa Penelco Vax site ay operational din ang mga inoculation sites sa Bataan People Center, Capitol Square Mall, Vista Mall, at Louis’ Place.

Samantala, nanatili ring operational ang iba pang vaccination sites sa 11 pang bayan ng lalawigan kasama ang nasa Freeport Area of Bataan.

As of today, August 10, ayon pa kay Gov. Garcia, mahigit 250,000 Bataeños na ang nabakunahan kontra COVID-19.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews