Phase 2 ng Plaridel Bypass, bukas na sa Mayo 15

SAN RAFAEL, Bulacan — Madadaanan na ng mga motorista simula sa Mayo 15 ang bagong pasinayang Phase 2 ng Plaridel Bypass Road.

Ito ang kumumpleto sa buong 24.61-kilometrong haba ng bagong daan mula San Rafael na diretso na sa North Luzon Expressway o NLEX.

Dahil dito, kaya nang bumiyahe mula sa NLEX hanggang sa bayan ng San Rafael sa loob ng 30 minuto mula sa dating halos dalawang oras na biyahe.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, bahagi ito ng binubuong Luzon Spine Expressway Network na pagkakabitin ang lahat ng mga kasalukuyan at ginagawa pang expressway mula Ilocos hanggang Bicol.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Japanese Land, Infrastructure, Transport and Tourism Minister Keiichi Ishii na ang kalsadang ito ay simbulo ng matibay at matalik na pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas.

Dagdag pa ni Ishii, ginamitan ito ng kasing taas ng kalidad ng gamit, kasangkapan at materyales na ginagamit sa kanilang bansa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews