Philippine Arena toll plaza bukas na sa publiko

BULACAN-Bubuksan ngayong Sabado (Nov 22) sa mga motorista ng North Luzon Expressway Corporation at Maligaya Development Corporation ang Northbound entry at exit toll plaza ng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue upang mabawasan ang madalas na mabigat na daloy ng trapiko sa Bocaue Interchange.

Ang pagbubukas ng nasabing mga toll plaza ay isinagawa bago pa man sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games Opening Ceremony na gaganapin sa Philippine Arena kung saan pangunahing makikinabang dito ay ang mga motorista papunta sa mga bayan ng Sta. Maria, Pandi, Angat, Norzagaray, at mga karatig pook nito.

“This is part of our continuing commitment to enhance our services for the public and help ease traffic flow in and out of our expressways,” ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J Luigi L. Bautista, kung saan hindi na makikipagsabayan pa ang mga motorista sa trapiko sa gawing Gov. F. Halili Avenue sa Bocaue.

Ang nasabing eight-lane toll plaza, na tatanggap lang ng cash transactions sa ngayon ay kinabibilangan ng limang exit lanes at tatlong entry lanes.

Bukod sa mga motoristang manggagaling sa NLEX, ang bagong daan ay magagamit rin ng mga motoristang manggagaling sa bayan ng Sta. Maria papasok ng NLEX northbound at kalaunan ay mas magiging maayos na access road ng Philippine Arena, na siya ring ginagamit na venue para sa mga international sports at entertainment events.

Samantala, ongoing na rin ang konstruksyon ng access road ng NLEX southbound entry mula sa Philippine Arena.

Nabatid na ang Philippine Arena Northbound Entry at Exit Toll Plaza ay bahagi ng NLEX Closed System kung saan ang sisingilin sa mga papalabas dito para sa Class 1 (ordinary cars) – ₱6; Class 2 (buses and small trucks) – ₱17 at Class 3 (large trucks/trailers) – ₱19.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews