Philippine Phiharmonic Orhestra nag konsiyerto sa Bulacan

MALOLOS, Bulacan — Hinarana ng Philippine Philharmonic Orchestra ang mga Bulakenyo sa libreng konsiyertong inihandog ng Cultural Center of the Philippines.

Itinampok dito ang pagtugtog ng iba’t ibang kantang pinasikat ng mga lokal at internasyunal na mang-aawit kabilang sina Beyonce, Aegis at VST and Co.

Bukod dito, tinugtog din ng orchestra ang mga komposisyon ng Bulakenyong kompositor na si Nicanor Abelardo at mga kantang isinulat ni Ryan Cayabyab tulad ng Pepe at Pilar at Dalagang Pilipina.

Maging ang awiting “Ano Kaya ang Kapalaran” na isinulat ni Francisco Santiago ay tinugtog ng Philippine Philharmonic Orchestra. Si Santiago ay tubong Santa Maria, Bulacan at tinaguriang ‘Ama ng Kundiman’.

Sa nasabing konsiyerto, binigyang ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado ng Katibayan ng Pagkilala at Parangal ang Philippine Philharmonic Orhestra, ang konduktor nitong si Herminigildo Ranera at si CCP President Arsenio Lizaso dahil sa patuloy na pagsuporta sa mga programang pangkultura at sining ng Bulacan.

Inorganisa ng CCP ang nasabing konsiyerto sa pakikipagtulungan ng Provincial History, Arts & Culture and Tourism Office ng lalawigan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews