Political dynasty sa Bulacan tinapos ng NUP bets

Tapos na ang itinuturing na political dynasty sa lalawigan ng Bulacan makaraang dominahin ng mga kandidato mula sa National Unity Party (NUP) ang pagka-panalo sa nakaraang 2022 National and Local Elections.

Sa loob ng mahigit tatlong dekadang panunungkulan ng pamilya Sy-Alvarado sa pangunguna ni incumbent Vice-Governor Willy Sy-Alvarado ay nagtapos na ang kanilang political reign sa lalawigan nang talunin siya ni NUP standard bearer Governor Daniel Fernando via landslide victory.

Ang nakababatang si incumbent First District Congressman Jonathan Sy-Alvarado naman na tumatakbo para sa ikatlong termino ay natalo rin kay former Malolos Mayor Danny Domingo, mula rin sa Partido ng NUP bilang Kinatawan ng nasabing distrito.

Ang mga Alvarado ang siyang namayani sa lalawigan ng Bulacan partikular na sa Unang Distrito kung saan naging kongresista ang ama, asawa at sa kasalukuyan ay ang anak sa nasabing distrito habang naging bise-gobernador/ gobernador at ngayon ay incumbent bise-gobernador ang nakatatandang Alvarado.

Sa pagkatalo ng mga Alvarado ay malinaw na ayaw na o nagsawa na ang mga Bulakenyo sa pamilya ng Alvarado at nais naman nila na maiba ang sistema ng paglilingkod sa nasabing lalawigan.

Sa kasaysayan ng pulitika sa Bulacan ay ngayon lang nakatikim ng pagkatalo ang mga Alvarado.

Wagi rin ang running-mate ni Gov Fernando na si Vice-governor-elect Alex Castro laban sa dating congressman/ gobernador Jonjon Mendoza.

3 bayan sa Bulacan nakapagtala ng 10-0 win

Tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan ang nakapagtala ng 10-0 straight win mula sa kani-kanilang partido.

Kabilang dito ay ang bayan ng Pandi mula sa NUP Party ng “Team Puso at Talino” sa pangunguna ni re-electionist Mayor Enrico Roque ata ng mga kasama sa lapian na sina Vice-Mayor Lui sebastian, mga konsehales: Jonjon Roxas, Monette Jimenez, Potpot Santos, Danny Del Rosario, Wilma Parulan, Kat Marquez, Nonie Sta Ana at Vic Concepcion. Kasama rin mula sa NUP slate sa bayan ng Pandi na nagwagi ay si Bokal Ricky Roque para sa Fifth District.

Mula pa rin sa NUP Party ay 10-0 straight win din ang Team Vistan sa pangunguna ni Mayor Jocell Vistan-Casaje kasama ang buong ticket na sina Vice Mayor Lorie Vinta, mga konsehal: Sheila Enriquez, Regie Javier, Ryan Sagala, AC De Leon, Ysabel Liwanag, Raul Gatuz, Raymund Lopez, Allen Marcelo.

Mula naman sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LaBan sa bayan ng Guiguinto ay straight win o 11-0 naman ang mga kandidato nito sa pangunguna ni Congressman Ambrosio Cruz Jr. ng Fifth District, Mayor Agay Cruz, Vice-Mayor Banjo Estrella, Councilors: Pute Aballa, Al Estrella, Ricky Jose, Lara Ventura, Julius Figueroa, Anabel Garcia, Randall Pingol at Eliong Ramos.

Anim naman ang mga nakabalik na mayors gaya nina Bocaue Mayor Jon-Jon Villanueva; Mayor Christian Natividad ng City of Malolos; Mayor Henry Villarica ng Meycauayan City; Mayor Ronaldo Flores ng Doña Remedios Trinidad; Mayor Jocell Vistan-Casaje ng Plaridel; Mayor Omeng Ramos ng Santa Maria.

Walo naman ang mga bagong halal na alkalde gaya nina Angat Mayor Jowar Bautista; Calumpit Mayor Lem Faustino; Mayor Agay Cruz ng Guiguinto; Mayor Baby Manlapas ng Hagonoy; Mayor Merlyn Germar ng Norzagaray; Mayor Ding Valeda ng Obando; Mayor Gazo Galvez ng San Ildefonso; at ang unopposed Mayor Cholo Violago ng San Rafael.

Ang mga reelectionists incumbent mayors ay sina Mayor Ferdie Estrella ng Baliuag, Mayor Arthur Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte; Mayor Rico Roque ng Pandi; Mayor Maritz Ochoa-Montejo ng Pulilan; Mayor Anne Marcos ng Paombong; Mayor Ricky Silvestre ng Marilao; Mayor Iskul Juan ng Bustos; Mayor Vergel Meneses ng Bulakan, Mayor Junior Gonzales ng Balagtas at Mayor Erick Tiongson ng San Miguel.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews