Polymerase Chain Reaction testing, sinimulan na sa Meycauayan

LUNGSOD NG MEYCAUAYAN — Pormal nang sinimulan ang pagsasagawa ng Polymerase Chain Reaction o PCR testing sa lungsod ng Meycauayan. 

Prayoridad rito ang mga probable at suspect cases ng coronavirus disease o COVID-19, mga health workers at iba pang frontliners.

Ayon kay City Health Officer Abe Bordador, isinasagawa nila ito sa Meycauayan General Hospital kung saan katuwang nila ang Philippine Red Cross o PRC.

Bago ang aktwal na PCR Test, isinailalim ng PRC sa pagsasanay ang mga medical technologist ng City Health Office sa paggamit ng test kits at laboratory services hanggang sa paglabas ng kaukulang resulta.

Kaugnay nito, tatlong swab booths para sa PCR test ang kasalukuyang ginagamit habang may mga partikular na kwarto para agad na maibukod ang magiging positibo sa COVID-19.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews