Presyo ng bigas nagbabantang tumaas

Asahang muli na namang tataas ang presyo ng lokal na bigas sa merkado dahil sa pagtaas sa presyo ng palay dahil patapos na ang anihan ngayong panahon ng tag-ulan.

Ito ang kinumpirma Jun Cid, Isang palay classifier sa Intercity Industrial Estate sa Bocaue, Bulacan na isang major rice trading centers sa Luzon.

Ayon naman kay Lhara Loreto, isang magbibigas sa nasabing lugar, na ang presyo ng palay ngayon ay pangkaraniwang umaabot na sa mahigit trenta pesos kada kilo kumpara sa P25 hanggang P26 kada kilo nitong kasagsagan ng anihan nitong buwan ng Oktubre.

Sinabi naman ni Malou Tolentino, Isang rice trader sa Intercity Industrial Estate sa Bocaue, na ang kalakaran ngayon ng tuyong palay ay nakakahalaga ng P32.00 hanggang P33.00 kada kilo at ang wholesale price ng bigas ay pangkaraniwang nagkakahalaga ng  P2,500 pagtaas kada sako na tumitimbang 50 kilo.

Lumilitaw na ang Isang kilo ng bigas sa wholesale price nito ay umaabot ng P50 kada kilo at maaaring tumaas pa kumporme sakalidad ng bigas.

Kinumpirma rin ni Roderico Sulit, vice president ng Intercity Ricemill Owners Association, na ang presyo ng tuyong palay ay nagkakahalaga ng mahigit P30 kada kilo dahilan para tumaas Ang wholesale price ng magandang bigas na nakalagay sa 25 kg na sako mula P1,200 hanggang P1,270 magandang bigas 25kg na katumbas ng P48 hanggang P50.80 kada kilo.

Ayon pa sa mga ito, kapag ibinenta na ang mga bigas na galing sa mga wholesalers, ang mga rice retailers naman ay pangkaraniwang naman na nagpapatong ng P4.00 kada kilo dahil may gastos rin ang mga ito sa pagbiyahe ng kanilang mga kalakal .

ReplyForward
WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews