Produkto ng Bulacan MSMEs, mabibili sa SEA Games

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — May 11 micro, small and medium enterprises o MSMEs ng Bulacan ang makakapagbenta ng kanilang mga produkto sa mga atleta at opisyal na lalahok sa 30th South East Asian Games.

Ayon kay Department of Trade and Industry Bulacan Director-In-Charge Ernani M. Dionisio, makakasama nila ang iba pang MSMEs mula sa Gitnang Luzon na makakpagdisplay ng kanilang produkto sa Commercial Building 2 ng New Clark City Sports Village.

Kabilang sa mga lalahok ang Armyths International Fashion Accessories, Beadatoh Handicraft, Balai Kabute, Inang Enyang 11-14 Sweet Candies, Jun & Mila Burdahan, Lennie V Products, Taste and See Psalm 33:8 Homemade Specialties, Dencio’s Sweets, Edwardson Leather, Lideon Embroidery at Hands of Claire. 

Sa New Clark City nakatakdang idaos ang mga events ng Swimming, Diving, Water Polo at Athletics. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews