Proteksyon sa mga manggagawa panawagan ni Rep. Roman ngayong Labor Day

Ngayong Mayo uno, Araw ng Paggawa, ay nakiisa si Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman sa mga manggagawang Pilipino sa paggunita sa kabayanihan ambag ng labor sector sa pag-unlad ng bansa. 

“Sa paggunita natin ngayong araw ng Labor Day, May 1, binibigyan natin ng higit na pagkilala ang lahat ng manggagawang Pilipino sa ating bansa pati na rin sa abroad. Nais kong lalong bigyang pansin ang kalagayan ng ating mga kababayang contractual and displaced workers na lubhang naapektuhan ng COVID-19 crisis ngayon,” pahayag ni Rep. Roman. 

Aniya, “sa papagpapatuloy ng ECQ buhat ng COVID-19 pandemic, wala silang nakukuhang benepisyo mula sa kanilang mga kompanya dahil hindi sila regular employees.” 

Nagpahayag din si Congresswoman Roman ng pagsuporta sa isinusulong at panawagan ng maraming manggagawa na wakasan na ang ‘endo’ o ang contractualization na magpahanggang ngayon ay siyang polisiya ng malalaking negosyo sa bansa. 

“Ngayon, higit na kailanman, ay panahon na para bigyan natin ng proteksyon ang ating mga kababayang contractual and displaced workers,” ani Roman. 

Matatandaan na ang isyu sa Endo ang isa sa mga naging battle cry noon ng kandidato pa lamang sa pagka Pangulo si President Rodrigo Duterte subalit hanggang ngayon ay nananatiling bigo ang mga manggagawa na makamtan ang pangakong ito. 

Mayroon ding mga napaulat n a malalaking negosyo na nag regular ng kanilang mga empleyado bilang suporta sa naging pangakong ito ng Pangulo subalit mas marami ang nananatili sa kontraktuwalisasyon para makatipid ng gastusin sa mga empleyado. 

“Sa lahat ng ating mga masisipag na Manggagawang Pilipino, saludo po kami sa inyo! Maraming, maraming salamat po sa inyong serbisyo!,” pagpupugay ni Rep. Roman sa mga manggagawang Pilipino.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews