Pulis Bataan, ibinahagi ang mga paghahanda sa Halalan 2022

Ibinahagi ng kapulisan sa Bataan ang mga paghahanda nito para sa Halalan 2022.

Ayon kay Acting Police Provincial Director PCol. Romell Velasco, katuwang sila ng Commission on Elections o COMELEC sa pagpapatupad ng gun ban na nagsimula nitong Enero 9 at tatagal hanggang Hunyo 8 sa pamamagitan ng mga checkpoints sa 11 bayan at 1 lungsod ng lalawigan.

Inilunsad din ng Bataan Police Provincial Office ang KASIMBAYANAN o Kawani, Simbahan, at Mamamayan para maseguro ang isang ligtas, tama, patas, at mapayapang eleksyon sa Mayo 9.

Kasama nila sa inisyatibang ito ang COMELEC, kasundaluhan, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at National Citizens’ Movement for Free Elections.

Nakipagugnayan din ang kapulisan sa mga lokal na lider ng lalawigan sa pagmomonitor ng mga aktibidad ng bawat kandidato upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Magkakaroon aniya sila ng Peace Covenant signing upang walang magaganap na intense political rivalry sa lalawigan. (CLJD/CASB-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews