Rep. Roman nakiramay sa mga nasunugan sa Orani

Nagpahayag ng pakikiramay sa mga nasunugan sa Barangay Pantalang Bago sa bayan ng Orani si Bataan 1st District Congresswoman Geraldine Roman.

Sa kanyang Facebook Page post nitong Mierkoles ay sinabi niya na inihahanda na ng kanyang tanggapan ang tulong na ibibigay sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.

“Nakaramdam ako ng matinding pagkabigla nang malaman ko kung ano ang nangyari sa aking mga kababayan sa Brgy. Pantalan Bago, Orani.

umigit kumulang 39 na pamilya ang naapektuhan ng sunog kaninang madaling araw,” pahayag ni Rep. Roman.

Ayon sa ulat ng BFP, naganap ang sunog mula 12:05 ng umaga at naapula lamang ng 2:26 a.m. matapos matupok ang 24 na kabahayan.

“I would like to express my deepest sympathies to all who lost their properties. My heart goes out to Brgy. Pantalan Bago. Huwag po kayong mag-alala, help is on the way!,” pagtitiyak pa ng Mambabatas.

Ang buwan ng Marso ay Fire Prevention Month kaya’t mas pinaigting ang kampanya ng Bureau of Fire Protection at mga lokal na pamahalaan hinggil sa ibayong pag iingat para maiwasan ang pagkakaroon ng sunog.

Paalala naman ng mga otoridad na hindi lamang dapat buwan ng Marso nag iingat kundi sa lahat ng oras para maiwasan ang anumang trahedya o sakuna sa loob ng tahanan at iba pang mga lugar na pinupuntahan ng maraming tao. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews