Malolos , Bulakan – Mahigit isang daang libo ang dumalo sa ikalawang rally ni Vice President Leni Robredo sa Malolos, Bulacan, sabi ng mga organizers.
Sa idinaos na pangalawang grand rally ni presidensyal aspirant Vice-President Leni Robredo sa lalawigang ito nitong Miyerkules, nakiisa ang 140,000 supporters, ayon sa crowd estimate ng local organizer.
Ang rally – na pinamagatang “Republika 2.0: Tindig ng Bulakenyo” ay nakakuha ng makabuluhang pagtaas ng mga tao mula sa 45,000 na nagtipon noong March 5, 2022.
Sa halip na dagat ng kulay rosas, iwinagayway ng mga tao ang maliliit na watawat ng Pilipinas sa Malolos Sports Complex grounds.
Si Bulacan Governor Daniel Fernando ng National Unity Party, na nag-endorso sa kandidatura ni Robredo noong Marso, ay kasamang muli sa entablado , at nagtaas ng kamay sa harap ng mga tao.
Ayon kay Gov. Fernando ang lalawigan ng Bulacan bilang tahanan ng unang malayang republika ng Asya ay handa nang salubungin ang liwanag ng bagong republika.
Hindi nakasama ni Robredo sa Bulacan ang running mate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, na sa halip ay bumisita sa Caloocan, Navotas, at Malabon noong Miyerkules.
Ayon kay VP Leni Robredo, twelve days to go na lang kaya kumakalat na sila para mas maraming mapuntahan. Nagtanghal para sa Bulacan crowd ang mga celebrity na sina Nadine Lustre, Yeng Constantino, at Darren Espanto, habang ito na ang pangalawang appearance ni Vice Ganda sa Robredo rally.
Nagtapos ang gabi ng isang synchronized drone exhibition, na 1st time sa mga rally ni Robredo, pagkatapos ng magarbong fireworks display mula sa fireworks capital ng Pilipinas.
Ramdam talaga ang liwanag sa dilim, from 45,000 naging 140,000 ang crowd sa Bulacan, naglalabasan na talaga ang mga nagpapahayag ng suporta para kay Vp leni robredo na siyang nakikita nilang mag-aangat sa buhay ng lahat.
Handog ni VP Leni Robredo ang kabuhayan, kalusugan at edukasyon para sa mas maginhawa, mas maganda at maliwanag na bukas. Nagawa na niya at magagawa pa. Nakatakdang libutin muli ni Robredo ang Quezon ngayong araw ng Huwebes.