Ang Castillejos Task Force COVID-19 ay nagtala ng kauna-uanahang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Bayan ng Castillejos.
Ang 90 taong gulang na lalaki, isa sa mga Persons Under Investigation (PUIs) ngunit walang history ng pagbiyahe sa anumang lugar na may COVID 19 ay pumanaw noong March 27.
Noong March 20, 2020, ang pasyente ay dinala sa Allied Care Experts Medical Center – Unihealth Baypointe Hospital sa Subic Bay Freeport Zone dahil sa lagnat, sipon, ubo at hirap na paghinga.
Sumailalim ito ng Swab Test noong March 21 sa hospital ngunit pumanaw noong March 27. Kinumpirma noong March 29 ni Provincial Health Officer Noel Bueno na ang pasyente ay positibo sa COVID-19.
Agarang isina-ilalim sa cremation ang pasyente sa Olongapo Crematorium ng 11:00 ng umaga ng March 28, 2020 upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.
Kasalukuyang ginagawa ngayon ang Contact Tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente at mahigpit na binabantayan ang kondisyon ng mga ito. Magsasagawa ng “Disinfection” ang lokal na pamahalaan at magpapatupad ng “Total Lockdown” sa paligid ng tirahan ng pamilya.