Retrofitting ng Sta. Rita at San Simon Interchange ng NLEX, nakumpleto na

LUNGSOD NG MALOLOS — Nadadaanan na ang magkabilang direksyon ng Sta. Rita Interchange at San Simon Interchange ng North Luzon Expressway o NLEX ngayong natapos na ang ginawang retrofitting.

Ayon kay ng NLEX Corporation President Rodrigo Franco, naglaan sila ng mula 60 hanggang 70 milyong piso para sa pagpapatatag ng mga naturang interchange na bahagi ng kanilang konsesyon na mas imodernisa ang NLEX.

Ang Retrofitting ay pagpapatatag sa matandang istraktura upang mas maging matibay at matatag sakaling may tumama na malakas na lindol.

Dekada 70 nang ginawa ang mga istraktura ng Sta. Rita at San Simon Interchange ng noo’y Construction Development Corporation of the Philippines na kalauna’y naging Philippine National Construction Corporation.

Samantala, sinabi pa ni Franco na bubuksan ngayong taon ang karagdagang mga linya ng tollgates sa San Fernando exit bilang tugon sa kahilingan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Aniya, ni-request ito ng dating Pangulo dahil sa humahaba ang trapik partikular iyong mga galing ng Dau.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews