Road infra projects ng DPWH sa Bulacan tapos na

BULACAN- Natapos na ang karamihan sa mga  road infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan na nakapaloob sa  P290-million national government’s General Appropriation Act- For Late Release (GAA-FLR) ng taong 2020 na nagpabuti sa daloy ng trapiko partikular na sa First at Second District sa lalawigang ito.

Ayon kay District Engineer Henry Alcantara, hepe ng DPWH-1st District Engineering Office, kabilang sa mga pagawaing kalsada sa mga major roads projectsay ang rehabilitation, reconstruction, asset preservation, preventive maintenance, upgrading of damaged pave roads sa mga primary roads, secondary roads, tertiary roads at rehabilitasyon ng mga kanal sa Manila Manila Road former Mac Arthur Highway at Daang Maharlika Highway na umaabot sa total budget na P292.163 million.

Pahayag ng hepe ito ay nakapaloob saย  2020 General Appropriation Act -For Later Releaseย  (GAA-FLR) na nabalam ang pagpapalabas ng pondo dulot ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga nakumpleto nang mga proyekto ay ang P26.2-million  rehabilitation / reconstruction / upgrading of damaged pavement roads primary roads ng “flood prone area” ng Bocaue-Balagtas boundary sa Manila North Road Intercity Section.

Ang P12.8-million Malolos-Crossing section sa Manila North Road; P16-million rehabilitation/reconstruction/ upgrading of damaged of paved roads ng secondary roads sa Pulilan-Calumpit; P14.7-million asset preservation- preventive maintenance- tertiary roads sa General Alejo Santos Highway sa Bustos, Bulacan.

Kapareho rin sa primary roads sa Manila North Road sa Balagtas, Bulacan na nilaanan ng  P18-million habang  P12.8-million naman sa Manila North Road sa Malolos City ang nakumpleto rin sa unang bahagi ng first quarter ng 2021.

Nitong  May 21, 2021, tnakumpleto rin ang konstruksyon sa bahagi ng Baliuag-Candaba Road sa Baliuag, Bulacan na mayroon namang pondo na P13.8-million.

Ayon pa kay DE Alcantara, ang P23.8-million rehabilitation/ reconstruction/ upgrading of damaged paved roads ng tertiary road sa bahagi ng Plaridel-Pulilan Diversion Road sa Plaridel, Bulacan at ang repair/ rehabilitasyon ng drainage canal sa Baliuag-Candaba Road sa Baliuag, Bulacan na may nakalaang P19.2-million budget ay inaasahang matatapos ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon naman kay Chief Maintenance Engr. Ernesto Dauz, ang  P69.4-million infra projects ng Manila North Road sa  Malolos City  at ang  P58-million sa primary at national road sa Daang Maharlika ay kasalukuyan ang konstruksyon at nasa 75% completion na.

Ang mga naturang infrastructure road projects ay nasimulan nung Disyembre 2020 dahil sa naantalang pagpapalabas ng pondo dulot ng pandemiya.

“These projects aimed to provide a long term solution to the concern of motorists regarding their sacrifices in the heavy traffic flow caused by dilapidated roads,” pagtatapos ni Alcantara.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews