San Ildefonso mayor positibo ulit sa Covid-19

Makaraan ang mahigit tatlong buwan buhat nang makarekober sa COVID-19 ay muli na namang nagpositibo sa nasabing virus sa ikalawang pagkakataon ang alkalde ng San Ildefonso, Bulacan.

Sa kaniyang social media post nitong Lunes ng umaga ay inamin ni Mayor Carla Galvez-Tan  na muli na naman siyang nagpositibo sa COVID-19 makaraang sumailalim sa RT-PCR test at sasailalim muli sa 14 to 20-day  home quarantine.

Magugunita nitong Marso 17 taong kasalukuyan ay una nang nagpositibo sa COVID-19 si Mayor Tan at matapos ang 14-day home quarantine ay gumaling ito ngunit dahil sa patuloy sa kaniyang walang tigil na trabaho bilang punong bayan ay nitong mga nagdaang mga araw ay nagkaroon ito ng mild symptoms at nagpasyang magpa-lab test.

Base sa inilabas na RT-PCR test Lunes ng umaga ay positibo nga sa nasabing creaded disease ang alkalde at kailangan muling sumailalim sa home quarantine.

“After being so careful and health conscious dahil ayoko na maospital kase ang hirap, my immune system gave up on me again..Stress, Pagod at Puyat iwasan po natin. Im ok po no worries po sa mga ngaalala..

Nakikiusap din po ako na mag-quarantine ang mga nakasalamuha ko simula noong Miyerkules,” Tan’s post in her Facebook account.

Upang masiguro at maproteksyunan ang mga taong kaniyang nakasalamuha ay pinaalalahanan ni Tan ang mga ito na obserbahan ang kanilang mga sarili at sumailalim na sa 14-day quarantine.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga municipal health personnel base sa derektiba ni Mayor Tan.

Isasailalim din sa disinfection procedure ang tanggapan ng alkalde at pansamantalang sususpendihin ang office works dito habang ilalagay naman sa skeletal workforce scheme ang ilan sa mga tanggapan sa nasabing munisipalidad.

Ilan sa mga mayor sa nabanggit na lalawigan ang nagpositibo na rin sa Covid-19 at nakarekober mula nang mag-pandemic last year ay sina  Baliuag Mayor Ferdie Estrella,  Bulakan Mayor Vergel Meneses, Bocaue Mayor Jose Santiago, Balagtas Mayor Eladio Gonzales Jr. at Sta Maria Mayor Russel Pleyto.

Hindi rin nakaligtas sa naturang virus at nahawa sina First District Congressman Jose Antonio Sy-Alvarado and 4th District Congressman Henry Villarica gayundin si Governor Daniel Fernando.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews