SUBIC BAY FREEPORT – Mariing isinusulong ngayon ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang pag-aproba ng isang panukalang batas na naglalayong palawakin pa ang lugar na sakop ng Subic Bay Freeport Zone.
Sa panayam ng media, sinabi ni SBMA Chairman Wilma T. Eisma na suportado ng SBMA ang Senate Bill 2207 na isinumite ni Senator Richard Gordon noongisang linggo sa Senado upang mapalawak pa ang Subic Bay Freeport at ang katabi nitong Clark Freeport.
Ayon sa panukala, may mga lugar sa probinsya ng Zambales at Bataan, kasama na ang Olongapo City, na magiging bahagi ng Subic Freeport sa ilalim ng isang phased expansion program.
Sinabi ni Eisma na batay sa pag-uusap ng SBMA at mga karatig nalocal government units noong nakaraang taon, may 21,000 ektarya pa ang maaaring isama sa Subic Freeport upang matugunan angpangangailangan sa lupa ng mga investors.
Kabilang na rito ang 9,000 ektarya sa San Antonio; 10,000 sa San Marcelino; 500-600 sa Subic; 500 sa Castillejos; at 900 ektarya saOlongapo City, na pawing nasa Zambales. May 505 ektarya naman sa Hermosa, Bataan ang pwedeng isama sa Subic expansion.
“Gusto naming gamitin ang mga lugar na ito bilang economic zones dahil nagkukulang na ng espasyo sa Subic Bay Freeport,” ani Eisma.
Ang balak na expansion, dagdag pa ni Eisma, ay magpapalago pa ng Subic Freeport at magdaragdag ng kinakailangang negosyo at trabaho.
Nauna rito, sinabi ni Senator Gordon na kailangang amyendahan angRepublic Act 7227, o ang Bases Conversion and Development Act of 1992, upang palakasin pa ang Subic at ang Clark.
Sa ilalim ng panukalang batas, sinabi rin ni Gordon na kailangangpalakihin ang sakop ng Clark mula 4,400 ektarya hanggang 35,400 ektarya.
Sinabi pa ni Gordon na sa ilalim ng Senate Bill 2207 ay bibigyan rinang mga expansion areas ng kaparehong tax incentives kagaya ng saSubic at Clark upang marami ang magtatayo ng negosyo sa mganasabing lugar. (MHIKE R. CIGARAL)