Silent protest at candle lighting activity, isinagawa ng progressive youth group sa Bataan

Kasabay ng paggunita sa Rizal Day ay nagsagawa ngayon ng silent protest at candle lighting activity ang mga myembro ng isang progresibong grupo sa Plaza Mayor De Ciudad de Balanga sa Balanga City, Bataan.

Ayon sa Youth for Nationalism and Democracy o YND, paraan nila ito ng pagkondena sa anila’y lumalalang lantarang paglabag sa karapatang pantao at ang extra-judicial killings ng mga inosenteng sibilyan kabilang na ang mga kabataan.

Ilan sa mga mensahe sa kanilang mga placards ay ang “end state violence, stop the killings, keep front liners alive, activism is not terrorism at better future, not bloody future.”

Sa naturang plaza ng nabanggit na lungsod ay may estatwa din ni Dr. Jose Rizal na nauna nang inalayan ng mga bulaklak ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Balanga.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews