Nilagdaan nitong Lunes, Marso 7, ang makasaysayang Sisterhood Agreement sa pagitan ng Syudad ng Mandaluyong at ng Munisipalidad ng Hermosa kasama ang Punong Bayan ng Mandaluyong na si Hon. Mayor Carmelita “Menchie” Abalos at Hermosa Mayor Hon. Antonio Joseph “Jopet” Inton.
Ayon kay Mayor Inton, layunin ng kasunduang ito ang mapagtibay ang ugnayan at kapatiran ng Bayan ng Hermosa at ng Mandaluyong City para sa pagsulong ng mutual support and cooperation pagdating sa ekonomiya, turismo, agrikultura, kalusugan at iba pang larangan.
Paiigtingin din ng ugnayang ito ang Best Practices ng bawat LGU upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa parehong nasasakupan.
Kasama sa mahalagang araw na ito si Mandaluyong City Vice Mayor Anthony Suva, at iba pang mga opisyal ng Mandaluyong LGU, ang ating mga Miyembro ng Sanggunian na sina Konsehala Luz Jorge Samaniego, Konsehal Sonjie Valencia, Konsehal Floyd Tungol, Konsehal Reggie Santos, Konsehala Jenna Basi, Konsehal Lou Narciso, ABC Roberto Rosel, Sangguniang Kabataan Federation of Hermosa President Bea Lim, Ka. Bonifacio Florentino, at ang mga department heads ng LGU-Hermosa.