SSS Media Advisory

Pinahaba ng Social Security System (SSS) ang panahon ng pagbabayad ng kontribusyon ng mga employers at individual members nito para sa mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2019.

Sa bagong iskedyul ng pagbabayad, kung nagbabayad ang mga employers (ERs) at household employers (HRs) ng kontribusyon buwan buwan, maaari nilang bayaran ang kanilang mga kontribusyon hanggang sa katapusan ng susunod na buwan.Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon para sa Marso 2019 ay sa Abril 30, 2019.

Dagdag pa rito, maaari na ring magbayad ang mga may kasambahay kada-ikatlong buwan o calendar quarter ang alinmang buwan sa nasabing quarter. Ang mga calendar quarter ay Enero hanggang Marso, Abril hanggang Hunyo, Hulyo hanggang Setyembre, at Oktubre hanggang Disyembre. Ang deadline na ng pagbabayad para sa mga kasambahay ay tuwing katapusan ng buwan na kasunod ng nasabing quarter. Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon para sa unang quarter ng taon (Enero hanggang Marso) ay sa April 30.

Ang deadline naman ng pagbabayad ng mga self-employed, voluntary, at non-working spouse (SE/VM /NWS) members ay pinahaba din sa ilalim ng bagong polisiya. Ang hulog para mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2019 ay maaaring bayaran hanggang Hulyo 31 kahit pa sila ay nagbabayad buwanan, tuwing ikatlong buwan o tuwing ika-anim na buwan.

Gayunpaman, ang iskedyul ng pagbabayad ng mga OFW members ay hindi nabago. Maaari pa rin nilang bayaran ang kontribusyon para sa mga buwan ng Enero hanggang Disyembre sa loob ng parehong taon samantalang ang kontribusyon para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ay maaaring bayaran hanggang sa katapusan ng Enero ng susunod na taon. Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad para sa Enero 2019 ay hanggang sa Disyembre 31, 2019 habang ang deadline para sa Oktubre 2019 ay hanggang Enero 31, 2020.

ntary, at non-working spouse (SE/VM /NWS) members ay pinahaba din sa ilalim ng bagong polisiya. Ang hulog para mga buwan ng Enero hanggang Hunyo 2019 ay maaaring bayaran hanggang Hulyo 31 kahit pa sila ay nagbabayad buwanan, tuwing ikatlong buwan o tuwing ika-anim na buwan. 

Gayunpaman, ang iskedyul ng pagbabayad ng mga OFW members ay hindi nabago. Maaari pa rin nilang bayaran ang kontribusyon para sa mga buwan ng Enero hanggang Disyembre sa loob ng parehong taon samantalang ang kontribusyon para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ay maaaring bayaran hanggang sa katapusan ng Enero ng susunod na taon. Halimbawa, ang deadline ng pagbabayad para sa Enero 2019 ay hanggang sa Disyembre 31, 2019 habang ang deadline para sa Oktubre 2019 ay hanggang Enero 31, 2020.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews