Swab testing, patuloy na isinasagawa sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Patuloy ang isinasagawang swab testing ng mga health personnel sa mga suspect cases ng coronavirus disease o COVID-19 sa Bulacan.

Sa ginanap na pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, sinabi ni Provincial Health Office o PHO Head Jocelyn Gomez na mayroon silang 144 swab kits kung saan 70 rito ay nai-submit na ang test sa kanilang tanggapan at dinala na sa Lung Center of the Philippines o LCP kung saan susuriin ito kung positibo o hindi sa COVID-19.

Ani Gomez hinhintay pa nila ang pagdadala ng iba pang lokal na pahamalaan ng mga nakolektang specimen. 

Anya, kinakailangang maihanda at mapangalanan ng tama at maayos at ipadadala sa PHO na siyang agarang maghahanda upang mabilis na maipadala sa LCP upang masuri.

Sinabi naman ni Gobernador Daniel Fernando na upang mapabilis ang testing, magkakaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at Philippine Red Cross para sa isang mas malakihang swab testing kung saan maglaaan ang Kapitolyo ng limang milyong piso para sa 1,428 swab tests.

Ayon pa kay Fernando, mas mabilis ito dahil sa loob lamang ng 48 oras ay lalabas na ang resulta.

Partikular umano ilalan ang mga test kits sa mga supect cases at ang matitira ay ilalaan sa mga probable cases at maging sa mga pulis at militar.

Ibinalita rin ng Gobernandor na sa Mayo 1, pormal ng bubuksan ang Bulacan Medical Center Extension na siyang itinalaga bilang COVID-19 Center. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews