Symbolic COVID-19 vaccination isinagawa para sa 833 Bulacan frontline health workers

Pinangunahan ng  Provincial Government of Bulacan ang isinagawang symbolic  Covid-19 vaccination kung saan unang tumanggap ng bakuna ang 833 frontline health workers ng Bulacan Medical Center (BMC) na ginanap sa harap ng   Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos nitong Lunes ng umaga.

Ang naturang kick-off activity ng Covid-19 vaccine roll-out sa probinsiya ay pinangasiwaan ni Dr. Emily Paulino ng Department of Health- Bulacan (DOH-Bulacan) na sinaksihan nina Governor Daniel Fernando, Board Member Alex Castro ng Ika-4 na Distrito at ng lahat ng mga head department ng kapitolyo sa pangunguna ni Provincial Administrator Antonette Constantino.

Ayon kay Fernando, top priority recipients ng bakuna ay ang 833 health workers mula sa BMC kung saan 86% nito ay sumang-ayon na mabakunahan.

Napag-alaman na ang natirang 14% ay yaong mga “undecided” at ang iba naman ay ayaw naman mabakunahan ngunit ayon sa Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH), marami pa ang patuloy na nagpaparehistro para magpabakuna as of yesterday (Monday).

“Ito na po ang matagal na natin hinihintay, this is the first step for us to bring back in normal. Importante na lahat tayo ay mabakunahan sa lalong madaling panahon upang mabilis din natin mabuksan ang ekonomiya nang makabalik na at magkatrabaho ang libu-libong Bulakenyo,” sabi ni Fernando.

Unang nagpabakuna mula sa drugmaker Sinovac Biotech ay sina Dr. Hjordis Marushka Celis, chief of the BMC and Provincial Health Officer II kasunod sina Dr. Jose Emiliano Gatchalian, BMC Hospital Training Officer at Alma Villena, BMC Nurse Supervisor.

Sinabi ni Dr. Celis na nagdesisyon siyang maunang mabakunahan para makatulong na makumbinsi ang maraming Bulakenyo na magpabakuna at magtiwla sa gobyerno para matapos ang umiiral na health crisis.

Ayon kay Fernando, target ng PGB na mabakunahan ang 300 katao kada araw kung saan naglaan ang Department of Health Regional Office III ng first 900 doses of COVID-19 vaccines para sa Bulacan at ang susunod na 900 vials ay inaasahang darating sa buwan din ito.Sa mga patuloy na nagtatanong at nag-aalinlangan kung ang nasabing bakuna ay ligtas, isa lang ang tiniyak ng gobernador– “The government is always there and will not abandon us, maging positibo tayo, think positive at magtiwala po tayo sa bakunang ito at huwag makalimot humingi ng gabay sa Diyos para sa kaligtasan at ikabubuti ng ating mga kalalawigan at ng buong bansa,” Ang mga bakuna ay kasalukuyan nakalagak sa Isidoro Torres Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center na siya rin gagawing main vaccination center.

“Lahat ng mga plano na inihanda ng ating lalawigan ay unti-unti nang maisasakatuparan. Sa pagdating po ng mga COVID-19 vaccine, inaasahan na makakapagbakuna ng may kabuuang 300 indibidawal bawat araw sa tulong ng ating mga itinalagang vaccination teams. Magtiwala po tayo sa Maykapal at humingi ng gabay para sa kaligtasan at ikabubuti ng ating mga kalalawigan at ng buong bansa,” pahayag ng gobernador.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews