Tagalog News: Tarlac State U binuksan ang bagong campus sa Capas

LUNGSOD NG TARLAC — Pinasinayaan ng Tarlac State University o TSU ang bago nitong campus na matatagpuan sa barangay Cristo Rey, Capas.

Ang apat na milyong pisong pasilidad, na itinayo sa tulong ng pamahalaang bayan, ay may tatlong instructional classrooms and apat na administrative rooms na kayang maglaman ng humigit kumulang 100 estudyante.

Sinabi ni TSU President Dr. Myrna Mallari na ang campus na ito, na may dalawang tig-isang palapag na gusali, ay para sa kanilang mga estudyante na nasa ikatlong distrito na kumukuha ng Bachelor in Elementary Education, Bachelor of Science in Criminology at Bachelor of Public Administration.

Inilahad naman ni Mayor Reynaldo Catacutan na ang pondo para sa inisyal na konstruksyon nito ay mula sa Clark Development Corporation at sisikapin ng pamahalaang bayan na magdagdag pa ng mga gusali para mas maraming mga estudyante ang makinabang.

Bukod rito, may tatlong campus ang TSU sa lungsod ng Tarlac at isa sa bayan ng La Paz.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews