Tarlac dam, tapusin na — Tarlac solon

Kwinestiyon ni Cong. Victor Yap (2nd District, Tarlac) ang National Irrigation Authority (NIA) ukol sa mabagal na progreso ng isang P13.37-bilyong dam project sa probinsya ng Tarlac sa plenary debate ng 2019 national budget noong October 2.

“Napaka-importante ng Balog-Balog Multipurpose Project para sa mga magsasaka at mga Tarlaqueño. Matagal na ho itong plinaplano at kung patuloy itong ma-delay, higit na maapektuhan ang agrikultura at ekonomiya ng Tarlac,” sabi ni Yap.

Ayon sa kongresista, ang Balog-Balog Multipurpose Project (BBMP) ay ang konstruksyon ng isang malaking dam at imbakan ng tubig, irrigation network at mga drainage canals sa San Jose, Tarlac. Hangad nitong mabawasan ang pagbabaha sa mga mababang lugar at kalapit na mga probinsya kagaya ng Pampanga at Pangasinan. Mabibigyan din ng BBMP ng oportunidad ang mga komunidad sa tabi nito na mangisda at maiwasan ang posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng tubig sa probinsya.

Iginiit din ni Yap na kung matapos ang BBMP, magkakaroon ng irigasyon sa buong taon ang aabot sa siyam na mga munisipalidad ng Tarlac. Bibigyan din nito ang probinsya ng alternatibong pagkukunan ng kuryente.

Ipinahayag ng kongresista ang kanyang pag-aalala sa magiging epekto ng mataas na presyo ng langis sa kalidad ng pagtratrabaho ng BBMP.

“Kakailanganin mag-laan ng contingent fund paradito. Kailangan din mag-karoon ng Quick Response Fund dahil mataas ang dam na ito at kung sakaling tumaas ang tubig,” sabini Yap.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews