LUNGSOD NG TARLAC — Tahimik na ipinagdiwang ng mga mamamayan ng Tarlac ang ika-147 Araw ng Lalawigan kung saan nagsilbing highlight ang isang banal na misa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Susan Yap na hiling niya sa bawat isa ay itamasa ang araw na ito upang balikan ang nakalipas, alalahanin ang mga bayani at mga taong nagsilbi at nagbigay kahulugan sa kanilang katangian bilang isang TarlaqueƱo.
Aniya, kaakibat ng pag-alala ng mga naging bayani ng lalawigan ng Tarlac ay ang pagkilala sa mga bagong bayani lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease.
Samantala, nagbigay pugay din sa mga frontline workers si Vice Governor Carlito David.
Ani David, taos-puso siyang nagpapasalamat sa kanila dahil kahit sa gitna ng panganib ay kanilang ipinapamalas ang malasakit at pagmamahal sa mga kababayan.
Kaya naman marapat na ipagbunyi ang kanilang katapangan at katatagan sa pagharap sa pandemayang ito.