Tarlac, nananatiling ASF-free

LUNGSOD NG TARLAC, Setyembre 23 (PIA) — Idineklara ng Provincial Veterinary Office na nananatiling ligtas kumain ng karneng-baboy sapagkat negatibo mula sa African Swine Fever o ASF ang mga baboy sa lalawigan ng Tarlac. 

Sa panayam kay Provincial Veterinarian Dr. Lorna Baculanta, ipinahayag niya na negatibo mula sa hog cholera at ASF ang mga baboy na sumailalim sa kanilang pagsusuri. 

Gayunpaman, iginiit niya na patuloy pa rin ang paghihigpit at pag-iinspeksyon ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang estadong ASF-free ng lalawigan.

Kabilang sa mga hakbanging ito ay ang 24/7 operasyon ng mga animal quarantine checkpoint, pag-ban sa mga baboy na mula sa mga apektadong probinsya, at pagkumpiska at pagsunog sa mga frozen meat na maaaring kontaminado ng ASF. 

Mahigit 60 lechon ang sama-samang pinagsaluhan ng may 3,000 katao sa pangunguna ni Gobernador Susan Yap bilang patunay na walang dapat ikatakot ang mga Tarlakenyo sa pagbili at pagkain ng baboy. (CLJD/TJBM-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews