Tarlac Provincial Dialysis & Kidney Center, pinasinayaan

Pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac at Department of Health o DOH ang Dialysis & Kidney Center sa Tarlac Provincial Hospital.


Layunin ng kauna-unahang government-owned dialysis and kidney center sa probinsya na mas mapalawak at mapaganda ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayang Tarlakenyo.


Ayon kay Governor Susan Yap, higit na mapapadali ng pagkatayo ng pasilidad ang kahirapang dinaras ng mga Tarlakenyong sumasailalim sa dialysis at iba pang sakit sa bato.


Pagbibigay-diin niya, mapapalakas ng pasilidad na ito ang kakayahan sa pangangalagang pangkalusugan ng probinsya.


Dagdag pa ni Yap, kasama ito sa tuluy-tuloy na proyekto ng Kapitolyo at DOH sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni DOH Regional Director Cesar Cassion na ito ay pagkatupad ng isa muling pangarap ng DOH Tarlac.


Aniya, nilalalarawan nito ang tunay at aktibong pagtatambal para sa kalusugan ng lokal na pamahalaan at kagawaran. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews