TESDA, magtatayo ng mga bagong pasilidad sa Guiguinto

GUIGUINTO, Bulacan — Pinangunahan nina Senador Joel Villanueva at Technical Education Skills and Development Authority o TESDA Director General Isidro Lapeña ang groundbreaking ng itatayong two-storey dormitory at multi-purpose gymnasium sa Regional Training Center.

Ang 30 milyong pisong halagang proyekto ay maaring matuluyan ng mga trainees mula sa malalayong bayan tulad ng San Miguel, Donya Remedios Trinidad, Norzagaray, San Ildefonso, San Rafael, Angat at iba pa na kasalukuyang sumasailalim sa skills training program ng TESDA.

Ayon kay Villanueva, ang nasabing proyekto ay hindi lamang maghahatid ng quality skills training kung hindi magbibigay din oportunidad ng magandang trabaho upang magtagumpay sa buhay. 

Malaking bagay anya ang proyekto lalo na sa mga kababayan na gustong makapag-aral at makapagsanay na nagmula pa sa malalayong lugar.

Lubos naman ang pasasalamat ni Lapeña dahil sa wakas ay napasimulan na rin ang nasabing proyekto sa tulong ng senador. 

May sukat na 357 metro kwadrado ang dalawang palapag na dormitoryo na na kayang maglulan ng 50 trainees at magagamit bilang laboratoryo.

Samantala, may 708 metro kwadrado ang multi-purpose gymnasium na gagamitin para sa mga graduation at iba pang seremonya ng TESDA.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon nito ngayong Oktubre. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews