TESDA nagbabala sa publiko laban sa mga scam at fixers

Binalaan ni Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Director General Guiling Mamondiong ang publiko laban sa scam at mga fixers na nakikipagtransaksyon sa kanilang ahensya.

Sa katatapos na Regional Technical Vocational Education and Training Stakeholders Conference, sinabi ni Mamondiong na iikutin niya ang lahat ng 120 training centers sa bansa upang paalalahanan ang kanilang mga opisyales ukol sa naiulat na may mga fixers na nakikipagtransaksyon sa pagtanggap ng mga TESDA applicants.

Anya, ginagamit ng mga ito ang pangalan ng kanilang ahensya kapalit ng paghingi ng salapi para sa aplikasyon ng isang nais mag-aral sa TESDA.

Binigyan linaw pa pinuno ng ahensiya na ang isang TESDA scholar ay nakakatanggap ng libreng tuition fee at transportation allowance at mabibigyan ng national certificate na magagamit sa pag-aplay sa trabaho maging sa loob o labas ng bansa sa sandaling matapos nito ang kursong pinag-aralan.

Sa kasalukuyan mayroon 830,000 indibidwal ang naka-apply sa TESDA scholarship para sa 18,000 technical at vocational courses dagdag pa ang 600 milyong pisong bagong kagamitan para sa training purposes sa mga Regional Training Centers.

Isinusulong din anya nila ang pagkakaroon ng dormitories para sa mga trainees. (PIA 3)
Attachments area

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews