LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Namamahagi ng facemask at mga pagkain ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga frontline workers sa Nueva Ecija.
Ayon kay TESDA Provincial Director Ava Heidi Dela Torre, patuloy tutulong ang tanggapan lalo ngayong panahong nakararanas ng suliranin dulot ng coronavirus disease.
Katuwang ang Provincial Training Center ay nakapagpamahagi ang TESDA ng mga face mask, food packs at tubig sa mga nagbabantay ng checkpoint sa mga barangay ng Bongabon, Cabanatuan at Palayan.
Kinikilala din ng tanggapan ang pagtulong ng mga Technical Vocational Institutions sa lalawigan sa paggawa ng mga face mask, tinapay, gayundin sa pamamahagi ng mga gamot at food packs para sa mga frontline workers.
Ilan rito ang R. Nadora Training Center, Inc., Skill Power Institute, Inc., Central Luzon School of Digital Arts, Inc., Nihon Skills Training Center, Craftsman’s Techvoc School, Inc., Golden Rosas Multi Skills Center, Inc., JVF Center for Technical Studies and Assessment, Inc. at marami pang iba. (CLJD/CCN-PIA 3)