Toneladang mga gulay pamimigay sa 16,000 Bocaue senior citizens

BULACAN — Libu-libong kilo ng assorted vegetables ang ipapamahagi ng pamahalaang lokal ng Bocaue sa 16,000 senior citizens bilang bahagi ng mga food packs na ipinamimigay sa mga Bocaueños.

Nabatid na binili ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa pangunguna ni Mayor Joni Villanueva-Tugna ang mga nasasayang na gulay mula sa Bauko, Mountain Province na itinatapon na lamang ng mga magsasaka rito na naapektuhan ng coronavirus disease (Covid-19) simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Napagalaman na maraming vegetables farmers ng  Ifugao, Benguet and Mountain Province ang lubhang naapektuhan ng ECQ kaugnay ng Covid-19 kung saan ang mga gulay na hindi nai-deliver ay itinatapon na lamang.

Imbes na itapon ay minabuti ni Mayor Tugna na bilhin ang kanilang mga inaning gulay na siya naman ipamimigay ng alkalde sa kaniyang mga kababayang senior citizens.

“We have heard that many vegetables in the Mountain Province are being wasted because no supplies are being delivered to us in Luzon, Central Luzon, and the farmers are neglected. Nakinabang na ang mamamayang Bocaueños ay nakatulong pa tayo sa mga vegetables farmers,” ayon sa alkalde.

Sinabi ni Tugna na ang mga gulay ay inangkat at kinuha ng mga tauhan ng pamahalaang lokal ng Bocaue sa  Lukib, Monamon Norte sa Bauko, Mountain Province.

Nagpaabot naman ng labis na pasasalamat ang mga magsasaka rito kay Mayor Tugna dahil ang kanilang ani ay nabili sa makatarungang halaga.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews