Isang training aircraft ang sumadsad sa Plaridel Airport runway at kamuntik nang sumalpok sa mga kabahayan kahapon ng umaga sa Barangay Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan.
Sa inisyal na report, ang eroplano na mayroong body number RP-C9986 ay nagtangkang mag-take-off sa nasabing paliparan subalit bago pa man ito umangat sa ere ay nag-gewang-gewang ang eroplano at tuluyang sumadsad hanggang sa dulo ng naturang runway at kamuntik nang salpukin ang mga kabahayan dito.
Kinilala ni Supt. Laurente Acquiot, Plaridel Police chief ang piloto na si Rex Ngo at ang estudyante na si Carlo Palanas na kapwa hindi nasaktan sa insidente.
Mag-iisang taon buwan ng Marso nang isang malagim na trahedya ang naganap sa nasabi ring runway ng paliparan nang bumagsak sa mga kabahayan ang isang six-seater na light plane bago pa ito nakalipad na ikinamatay ng lahat na limang sakay nito gayundin ang lima pang miyembro ng isang pamilya na kung saan bumagsak sa kanilang tahanan ang eroplano.