Tulong Dunong Program sa Bataan, patuloy

ORANI, Bataan — Kamakailan ay naglunsad  ng forum o pagpupulong ang Commission on Higher Education (CHED) kasama ang mga scholarship coordinators ng Tulong Dunong Program.

Ayon kay Bataan Representative, Congresswoman Geraldine Roman, ito ay upang alamin ang kalagayan ng nasabing scholarship program at mabigyan ng solusyon ang mga challenges sa implementation o pagpapatupad nito.

Ang Tulong Dunong Program ay Grants-in-Aid sa ilalim ng Students Financial Assistance Program ng CHED para sa mga estudyanteng inirekomenda ng mga local government units maging sila ay naka enrol sa pampubliko o pribadong unibersidad o kolehiyo.

Nagbigay rin ng updates ang CHED sa status ng mga scholarship applications. 

Sa kasalukuyan ay meron nang 637 scholars ang naturang programa at madaragdagan pa ito ng 200 scholars sa susunod na taon. 

“Magkakaroon po tayo ng humigit kumulang sa 850 scholars next school year. Ang ating mga scholars po ay makakatanggap na ng 7,500.00 per semester na ide-deposit sa kanilang mga cash cards,” pagtitiyak pa ni Congresswoman Roman.

Dagdag pa ng Mambabatas, bagamat matagal ang proseso, ito ay dahil kailangan aniyang masiguro na karapat-dapat ang mga magiging beneficiaries ng Tulong Dunong Program. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews