Upang matugunan ang isyu sa mga sira-sirang kalsada at labis na pagmimina sa lalawigan ng Bulacan, hiningi ni Gobernador Daniel Fernando ang tulong ng kinauukulang ahensya ng gobyerno sa kanilang kampanya kaugnay sa pagpapatupad ng inilabas na Executive Order No. 21
Ipinag-utos ng E0 21 ang pansamantalang pagsuspinde sa lahat ng permit sa pagmimina, quarrying, dredging, desilting at iba pang uri ng mineral extractive operations sa loob ng Bulacan.
Ang nasabing dayalogo ay pinangunahan ng Bulacan Environmental and Natural Resources Office (BENRO) kung saan tinalakay ni Fernando ang nilalaman ng Executive Order kasunod ng patuloy na pagkasira ng mga kalsada dulot ng overloading ng mga sasakyang pang-transportasyon gayundin ang labis na volume ng mga land minerals at iba pang mga commodities.
Kasamang dumalo mula sa mga tanggapan ng ahensiya ng gobyerno para sa pagpa-plano at mahigpit na implementasyon ng Executive Order ay ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni PCol. Charlie Cabradilla; Department of Public Works and Highways (DPWH) represented by District Engineer Henry Alcantara ng Bulacan 1st District Engineering Office; Provincial Mining Regulatory Board represented by Engr. Reynaldo Cruz mula sa Mines and Geosciences Bureau-Region 3 at the Land Transportation Office represented by Carina Macapagal, Chief ng LTO Malolos District Office.
Ayon kay Fernando, ang DPWH, LTO, PNP-HPG kasama ang local government unit ay kailangan nang umaksyon at tumulong sa pagtugon sa lumalalang problema sa mga sira-sirang kalsadahan dulot ng mga overloaded trucks.
“Nasisira na po ang mga kalsada natin, ang mga bridges. I want your cooperation in this matter. I need your help, nakikiusap po ako sa inyo. Ang kamay ko ay inaabot ko sa inyo alang-alang sa ating bayan. Sayang ang pera ng gobyerno sa taun-taong pagpapagawa kung paulit-ulit lang rin na masisira ang mga kalsada natin lalo na kung ang ilan sa ating kapwa na nasa mining sector ay hindi sumusunod sa itinalagang policy,” sabi ng gobernador.
Ayon pa kay Fernando, ang pagsisikap ng provincial government na maresloba ang usaping ito ay bilang tugon at suporta sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. tungo sa progreso at pag-unlad ng bansa.
Samantala, sinabi ni BENRO Head Atty. Julius Victor Degala na ang lalawigan ay ipinapatupad na ang “no excessive volume policy” sa ilalim ng Provincial Ordinance C-005 or the Environmental Code of the Province of Bulacan na nagtatakda ng mga limitasyon ng ikakarga sa bawat truck.
Inatasan na rin ni Fernando si Degala na higpitan ang surveillance at checkpoints na magtatakda ng tiyak na pamamaraan alinsunod sa patakran.
“Tapos na ang sistemang bulok lalo na sa mga tinaguriang “the untouchables” kaya humanda kayo. The governor has given me orders and I will obey him. Sa lahat po ng mga nasa checkpoint na ito, ililipat ko po sila at papalitan ko po ang mga tao,” Degala said.
Ayon naman kay District Engineer Alcantara, base sa kanilang datos, umaabot sa 8,770 overloaded trucks per month ang dumadaan sa national roads partikular na sa Manila North Road o dating Mac Arthur Highway.
“Ang kailangan lang po disiplina, sumunod po tayo sa regulasyon. Bakit po ang Pampanga at Ilo-Ilo province can do it? If they can do it we cannot? Tulungan po natin ang gobernador sa kmpanyang ito dahil hindi lamang truckers ang gumagamit ng kalsada,” wika ni Alcanatara.
Ang mga lalabag sa naturang Executive Order ay pagmumultahin ng halagang P5,000 per violation; pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at di lalagpas ng isang taon at pag-revoke sa kanilang mga permit.