Tinatayang aabot sa P2-million halaga ng housing materials ang ipinagkaloob ng Japanese global apparel retailer na Uniqlo sa pamamagitan ng SM Foundation Incorporated sa mga biktima ng bagyo sa mga bayan ng Obando at San Miguel sa Bulacan kamakailan.
Kabilang sa mga makikinabang ng donasyon ay ang mga nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses na nalubog sa baha, nawalan ng tirahan at napilitang mag-evacuate at pansamantalang nanirahan sa mga evacuation centers o public disaster shelters.
“Malaking bagay po (donation) kasi maitatayo po yung nasira na bahay namin nung Ulysses” ayon kay Rolando Santos mula sa Tabing Ilog sa bayan ng Marilao.
Pahayag naman ni Lorena Dauba mula sa Lambakin, Marilao; “Malaking tulong po dahil may pandagdag na materyales na yero, plywood sa pagawa ng bahay lalo na at padating ang tag-ulan”.
Base sa rekomendasyon ng Provincial Social Welfare and Development Office, bawat isa sa 58 communities sa Bulacan na mayroong 200 families ay tatanggap ng Php.10,000 halaga ng construction materials tulad ng galvanized iron sheets, roofing at wood nails, sealants, sealant guns, marine plywood at mga lumber.
Ang SM City Marilao ang siyang magdadala sa mga pamilyang nakatira sa San Pascual sa Obando, San Jose sa Paombong, San Pedro at Fatima V sa San Jose Del Monte at Matungao, San Nicolas at Taliptip sa Bulakan, Bulakan.
Kasama rin ang mga pamilya sa Banga at Calvario sa Meycauayan at Sta. Rosa, Tabing Ilog at Lambakin sa Marilao.
Gayundin ang SM City Baliwag naman sa Sta. Cruz, Laog, Sto. Cristo sa Angat; Sabang, Bagong Nayon, San Jose at Poblacion sa Baliwag; Pulong Sampalok, Kalawakan, Sapang Bulak at Camachile sa DRT; Poblacion, Matictic at Baraka sa Norzagaray; San Juan at Maasim sa San Ildelfonso; at Santa Rita Matanda, Tartaro, San Vicente, Sta. Ines, Sta. Lucia, Santa Rita Bata, Poblacion, Bagbaguin at Sta. Clara sa San Miguel.
Ang mga napiling benepisyaryo sa Baliwag ay silang mga most affected families, mga bahay na hanggang sa ngayon ay sira. “Mayroon tayong partial damage na 2,500 at may more or less 900 na totally damage last year” said Baliwag MSWDO Department Head Josephine Lopez.
Sa pakikipagtulungan sa Local Government Units ang mga pamilya mula sa Poblacion, Cambaog at Catacte sa Bustos, Sumapang Bata, Lugam, Masile, Dakila, Niugan, Santor, Tikay at Balite sa Malolos, Dampol 2nd sa Pulilan at Bagbaguin at Sta. Clara sa Sta Maria ay parehong tumanggap ng donasyon mula sa Uniqlo through SM Center Pulilan.
“Pauna na po ang aming taos pusong pasasalamat sa inyong pagsuporta” shares Provincial Social Welfare and Development Office head Rowena Tiongson. “Nawa po ay mas marami pa tayong Bulakenyong matulungan sa naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad lalo na po ng Bagyong Ulysses” ani Ms. Tiongson.
Nabatid na ang nasabing global fashion brand ay nag-donate ng mahigit 1 million US dollars bilang tulong nitong nakaraang 2020.
“Through SM Foundation Inc, an entity that manages the CSR activities of SM Group, donations were mobilized to affected communities around the Philippines to provide emergency food supplies and rebuild flooded housing, as well as build preventative infrastructure in areas susceptible to flooding,” ayon sa SM Foundation.