Usaping Federalismo

Ang desentralisasyon at debolusyon ng kapangyarihan sa bansa ay magtataguyod ng positibong pagbabago para sa ikauunland ng mga rehiyon.

Ito ang ankla ng usaping Federalismo. Ito ngayong ang binibigyang importansiya ng pamahalaang Duterte upang mawala ang imperial na kapangyarihan ng Maynila at lumaganap ang pagbabago sa mga probinsiya at kanayunan.

Ang lumang sistema ng pamahalaang unitaryo sa ilalim ng Saligang Batas ng 1987 at Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991, ay hindi nagtaguyod ng inaasam na pagbabago sa mga rehiyon.

Ang paksang Federalismo ay binigyang importansiya ni Mabalacat Mayor Mario “Boking” Morales sapagkat naniniwala siya na ito ay magtataguyod ng tunay na pagbabago.

Noong 2016, inilunsad ni Mayor Morales at ODU30 CORE (Constitutional Reformers) ang Federalism Forum sa Royce Hotel ng Clark Freeport Zone. Ito ay dinaluhan ng mahigit sa 2,000 supporters ng Federalism0.

Ang Clark forum ang pinakamaking pagtitipon ng mga supporters ng Federalismo sa bansa, ayon kay Vivian Velez, ang speaker, ways and means chairperson, at media liaison officer ng PDU30 CoRe. Ayon pa kay Atty. Raul Lambino, lead convenor of PDU30 CoRe, ang forum ay napakaimportante sapagkat kinakailangang maintindihan ng mga tao ang balaking pagbabago sa sistema ng pamamahala sa gobyerno.

Nitong nakaraang January 23-27 ng kasalukuyang taon, tumulak patungong Washington DC, US si Mayor Morales upang lumahok sa isang conference paukol sa Federalismo at Good Governance. Ang delgasyon ng Pilipinas ay sumali sa conference upang masusing pagaralan ang Federalismo sapagkat isa itong benchmarking activity.

Ayon kay Morales, ang Mabalacat City ay isa sa mga sumusuporta sa usaping Federalismo sa bansa.

Sa Estado Unidos, nakasama pa ni Mayor Morales ang dalawang anak na lalaki ni US President Donald Trump sa Trump Tower, New York. Malugod na ipnahatid ni Morales ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa administrasyon ni President Trump.

Ang federalismo sa Pilipinas ay isinulong noon ni dating Senador Nene Pimentel. Sa ilalim ng Federalismo, ang bawat estado ay may kakayanang gumawa ng batas na papairalin sa kanilang mga nasasakupan.
Ninais ni Ginoong Jose Abueva, na bumalangkas sa usaping Federalismo na makapagtatatag ng makatarungan at pangmatagalang balangkas para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga pangkat etniko, relihiyon, at kultura, lalo sa panig ng mga Bangsamoro at lumad.
Isa si Mayor Morales sa mga nagtataguyod para maisakatuparan ang Federalismo sa bansa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews