Bukod sa puto bumbong, bibingka, at malamig na simoy ng hangin, isa sa mga pinakahihintay ng mga libu-libong empleyadong Pinoy ang 13th month pay tuwing sasapit ang kapaskuhan. Ayon sa Section 2 ng Presidential Decree No. 851 o ang 13th Month Pay Law, saklaw ng batas na ito maging ang mga kasambahay, nasa personal service, o mga halintulad na trabaho.
Agad sumasaisip ng manggagawa kung paano o saan ilalaan ang biyayang ito. Bago humugot ng mga malulutong na tig-lilimang daan dyan, pakaisipin muna ang mga paraan kung paano ito gagamitin sa kapaki-pakinabang na paraan.
IT’S PAYBACK TIME!
Pagod ka na ba sa pangungulit ng iyong pinagkautangan? O naii-stress ka na sa mga utang mo? Pagkakataon mo na itong bayaran kahit bahagi lang ng buong halaga. Medyo masakit isipin pero kung mapapanatag naman ang loob mo, di ba’t sasaya pa ang Pasko mo? Remember, “give love on Christmas day”!
IPON PA MORE!
Ang iba ay mas pinipiling ipandagdag sa ipon ang natanggap na 13th month pay. May kikitain ang pera kahit papaano at di ka pa matutuksong gastusin ito. Malaking challenge ito dahil ang kapaskuhan at panahon ng paggastos dahil sa mga kabi-kabilang sales at mga reregaluhan. Kailangan ang pagtitimpi sa paggastos sa ganitong paraan.
GO SA NEGOSYO
Kung likas sa iyo ang pagiging negosyante, magandang paglaanan ang 13th month pay sa sure ball na negosyo. Pulsuhan mo ang gustong produkto ng target mong pagbebentahan at mas maganda kung magkakaron ka ng “pre-order” option nang hindi maipit ang iyong pera. Kung pumatok, malay mo at mapalago mo ito! Tandaan na ang malalayong destinasyon ay nagsisimula sa mga mumunting yapak.
SPEND ON YOUR HOBBY
Lahat tayo ay may natatanging kakayahan at larangang napili. Bakit hindi mo paglaanan ito pera upang mapagyaman mo pa ang iyong talento? Halimbawa, kung magaling ka sa photography, pwede kang mag-invest sa magandang ca
mera; kung hilig mo naman ay musika, maaari kang mamuhunan sa instrumentong gamay mo. Iba na ang may kakayahang maa-apreciate ng iba at pwedeng maging sideline!
GET YOUR HOME SWEET HOME
Ang magkaroon ng sariling bahay ay ang isa sa pinaka swak sa lahat ng pwedeng hantungan ng iyong 13th month pay. Maaaring ilaan ito sa mga paunang bayad tulad ng reservation fee at downpayment. Pero bago maging excited dyan, isiping maige kung kaya ng iyong financial capacity na itaguyod ang pagbabahay. Hindi ba’t maganda ang bungad ng bagong taon kung may bago kang bahay ?
Hindi madaling kumita ng pera; lalong hindi rin naman basta basta lang itong gagastusin. Ito’y biyaya ng Maykapal na dapat ipagpasalamat at gamitin sa makabuluhang bagay.
Sources:
http://news.abs-cbn.com/business/11/11/13/how-spend-13th-month-pay-wisely
http://savingspinay.ph/how-to-spend-your-13th-month-pay/
http://www.chanrobles.com/presidentialdecreeno851rules.htm
Photo Sources:
https://www.google.com.ph/search?q=paying+debts&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjP847Po4PYAhUJNJQKHdSyD-UQ_AUICigB&biw=1137&bih=703#imgrc=R3BrOOqbbAOr0M:
https://www.google.com.ph/search?biw=1137&bih=648&tbm=isch&sa=1&ei=BSsvWvHhHYic0gST3ouYBA&q=saving+money&oq=saving+money&gs_l=psy-ab.3…56860.63194.0.63369.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0….0…1c.1.64.psy-ab..0.0.0….0.eCub32DLRyk#imgrc=xacZZNHnkbudnM:
https://www.google.com.ph/search?biw=1137&bih=648&tbm=isch&sa=1&ei=hCwvWq6qJYGK0QS455oY&q=starting+a+business+picture&oq=starting+a+business+picture&gs_l=psy-ab.3…38451.44083.0.44378.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0….0…1c.1.64.psy-ab..0.0.0….0.xnP3zTqJsk8#imgrc=zB7ejJMYeC_4pM:
https://www.google.com.ph/search?biw=1137&bih=648&tbm=isch&sa=1&ei=3zAvWtbUN8HI0gSvxp2wDw&q=spending+money+on+labeled+jar&oq=spending+money+on+labeled+jar&gs_l=psy-ab.3…39620.244460.0.244825.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0….0…1c.1.64.psy-ab..0.0.0….0.7MIoRZPzKIg#imgrc=69Ziojw2EOGkoM:
https://www.google.com.ph/search?biw=1137&bih=648&tbm=isch&sa=1&ei=2jEvWp_CDM7t0ATw_K-oDQ&q=saving+for+a+house&oq=saving+for+a+house&gs_l=psy-ab.3…67307.72674.0.72751.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0….0…1c.1.64.psy-ab..0.0.0….0.9oley3mW8zc#imgrc=s413nRq8oit9hM: