11 patay, 247 arestado sa Bulacan SACLEO

 10 

Labing-isang mga drug suspects ang napatay sa magkakahiwalay na drug operation habang 247 na indibidual pa ang inaresto kaugnay ng isinagawang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay PCol. Lawrence Cajipe, Bulacan Police  Officer-In-Charge (OIC) director, kabilang sa mga nadakip ay 111 na drug personalities, 101 most wanted persons at 35 illegal gamblers mula sa 71 police operations sa ibat-ibang bayan sa Bulacan.

Kinilala ni Cajipe ang mga napaslang sa drug operations makaraang manlaban sa mga operatiba na sina Jay-Ar Borromeo; Alias Liit; Alias Jr; Jhodie Maglalang; alias Roy; alias Jr Villanueva; Alfonza Javier; Arnoli Omoso; Jerry Janoras; Win Love Fogata at Jose Ragsag.

Kabuuang 7 caliber 38 revolver, 3 improvised shotguns, isang pen gun, mga bala, 336 heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu, 20 plastic sachet ng dried “marijuana” leaves ang narekober sa mga napatay at nadakip na mga suspek.

Nabatid na pawang nanlaban ang mga napatay na drug suspect sa buy bust operation sa buong lalawigang nabanggit, ayon kay Cajipe.