110 confirmed cases ng COVID-19, naitala sa Bataan

Umakyat na sa 110 ang confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Bataan.

Sa latest report ng Bataan Provincial Health Office, 3 bagong kaso ng confirmed COVID-19 ang naitala ngayong Linggo pero may napaulat naman na 3 bagong recoveries o mga pasyenteng gumaling kaya’t umabot na sa 40 katao na ang nakarekober sa 110 confirmed cases.

Sa kabuuang 2,169 na na-test mula noong January 31, 2020 ay 1,528 na ang bilang ng mga nagnegatibo sa test habang pending pa o naghihintay pa ng resulta ang 531. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews