12 patay sa COVID-19 sa Bulacan

Umabot na sa 12 ang nasawi habang pumalo naman sa 28 ang kaso ng coronavirus (Covid-19) disease sa buong lalawigan ng Bulacan.

Nabatid na labing-tatlong lungsod at munisipyo ang mayroong naitalang kaso ng Covid-19 kabilang ang mga Lungsod ng San Jose Del Monte, Malolos, Meycauayan, mga munisipalidad ng Sta Maria, San Miguel, Marilao, Pulilan, Calumpit, San Ildefonso, Bulakan, Guiguinto, Baliwag at Pandi.

Sa update report ng Provincial Health Office (PHO) Lunes ng hapon ay lima ang nadagdag mula sa pito lamang na death cases at ang mga ito ay isang 32-anyos na babae mula sa City of San Jose del Monte; isang 55-anyos na lalaki mula sa San Miguel town; isang 76-anyos mula sa bayan ng Santa Maria; isang 60-anyos at 59-anyos na kapwa lalaki na pawang mula naman sa City of Malolos.

Sampung kaso naman ng nasabing nakamamatay na virus ang nadagdag na bagong kaso na umabot na sa kabuuang  28 Covid-19 cases nitong Lunes ng hapon.

Mayroon ding total na  271 active persons under investigation (PUIs) at 110 cleared PUIs habang  1,808 persons under monitoring (PUM) at 1,720 cleared PUM.

Patuloy rin ang panawagan ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na manatili sa kanilang mga tahanan at hintayin ang second batch ng relief supplies mula sa provincial government na dadalhin ng mga tauhan ng Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay ng isinasagawang coronavirus disease enhanced community quarantine Luzon-wide na nasa ikatlong linggo na dulot ng Covid-19 disease.

Nauna rito, inerekomenda ng gobernador bilang local precautionary measure ang pagkakaroon ng Provincial Quarantine Facility sa lalawigan na siya ngayong minamadali para sa mga Persons under Monitoring or PUMs upang mas maging maayos at epektibo ang pagpigil sa paglaganap ng nakamamatay na virus Optional naman ayon sa gobernador ang naturang rekomendasyon kung saan sa halip na home quarantine, ang mga PUMs ay sa dalhin sa Provincial Quarantine Facility kung saan sila ay mananatili sa loob ng labing-apat na araw.

“The facility is one way of preventing their family members from exposure to COVID-19. There will be assigned health workers that will exclusively monitor the PUMs and a marked vehicle will be allotted to fetch them from and to the proposed optional quarantine area,” ani Fernando.

Hindi aniya dapat mangamba ang mga Bulakenyo dahil ang itatalagang Provincial Quarantine Facility ay hindi magdudulot ng anumang panganib sa mga eskwelahan at komunidad na nakapaligid dito, paglilinaw ng gobernador.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews